Healing isn’t linear
“Kumusta ka na?”
Ito talaga ung tanong na kahit kailan itanong sakin, nahihirapan ako sagutin ng totoo.
Me: “okay lang naman po”
Doc: “okay lang ba talaga? Nakangiti ka habang sinasabi pero rinig ko sa boses mo at kita ko sa mata mo na hindi ka naman okay”
Halos mag-iisang taon na when I decided to seek professional help. I’m glad I did dahil mas naintindihan ko ung sarili ko kung bakit ako ganito, kung bakit masyado akong emosyonal sa mga bagay-bagay, kung bakit may mga bagay na nakaka-trigger sa kin, na ung mga “simpleng bagay” para sa ibang tao e malaking bagay pala para sa akin. Kung bakit I keep on attracting the wrong people, na why this specific pattern keeps on repeating itself.
Naniniwala ako na tIme alone doesn’t heal all wounds, You’ll have to work on yourself. And minsan kahit may progress na, an old trigger may re-open these wounds, Kaya malaking tulong na nalaman ko kung ano ung mga yun kasi whenever mukhhang papunta na dun, I can remind myself na “uy teka, parang pamilyar to ah… parang edo na naman ah”
Always reminding myself that “š”ššš„š¢š§š š¢š¬š§’š š„š¢š§ššš«”. Sana ung road to healing kasing dali lang ng pag-akyat ng hagdan. Take mo lang bawat steps, alam mong makakarating ka dun sa taas. Kaso healing doesn’t work that way. Minsan para akong humakbang ng isa tapos kulang so dumausdos ako pababa. But that doesn’t mean wala na kong progress. Kailangan ko lang lagi ipaalala na, malayo pa pero malayo na.
Bakit ba ang dami ko na namang pinagsasabi. Gusto ko lang sabihin na September is Suicide Prevention Month. Help is available. Speak with someone today.
Sharing this for people like me who are afraid to seek help. HIndi weakness ang humingi ng tulong. If you or someone you know needs to seek help and doesn’t know where or how to start, I can help and share how I was able to get help. Message niyo lang ako.
DOH-NCMH 24/7 Crisis Hotline:ā
0917-899-8727
(02) 1553
(02) 7-989-8727
#CheckTheSigns and Save a Life MentalHealthPHhttps://mentalhealthph.org/sucideprevention101/
Directory of mental health facilities, services, and organizations from around the Philippines – https://mentalhealthph.org/directory/